Text Size
   

Kasaysayan ng Barangay bantog

Ang Bantog ay nagmula sa salitang Ilocano na ang ibig sabihin ay mataas dahil ang lugar na ito ay mataas at hindi nababaha. Ito rin ay nagmula sa salitang Tagalog na ang ibig sabihin as sikat o tanyag.

Ayon sa mga naunang tao na tumira sa lugar na ito, ang Bantog ay nadiskubre noong 1870 subalit naging ganap na baryo ng Anao noong 1900.

Ang lugar na ito ay matatagpuan sa dulong hilaga na bayan ng Anao at itinuturing na pinakamalayong baryo nito. Mayroon itong 705,824 metro kwadrado at sa kasalukuyan ay may 599 populasyon.

Ang mga unang tao na tumira dito ay pinangunahan nina Venancio Aban, Lucio Ramos, Miguel Gallardo, Leodigario Peralta, Emiterio Gallardo, Luis Alavazo, Hospicio Ramos, at Mariano Alavazo.

Sa kasaysaysayan ng baryong ito, nagkaroon din ng mga taong nagbigay ng bahagi ng kanilang serbisyo tulad nina Leodigario Peralta bilang unang Tinyente del Barrio, Dionisia Aguyaoy bilang unang guro, Arcadio Aban bilang unang konsehal ng bayan at Pedro Alavazo bilang unang kapitan del Barrio.

Ang pangunahing uri ng salita na namamayani ay Ilocano at Tagalog.

Ang kasipagan ng mga tao ay namamalas sa pamamagitan ng kanilang uri ng hanapbuhay tulad ng pag-aalaga ng hayop at pagtatanim ng palay at gulay.

The Seal

Sa logo na sumisagisag sa Barangay Bantog, masisilayan ang taon kung kailan ito nadiskubre.

Sa gilid ng bilog na kung saan ay nakasulat ang Barangay Bantog sa bandang itaas nito at sa bandang ibaba ay Bayan ng Anao, makikita ang dalawang bulaklak ng Ylang-Ylang. Tinatangkilik ng baryong ito ang Ilang-Ilang na pinatutunayan ng maraming tanim na makikita sa gilid ng daan at mga bakuran ng mga kabahayan.

Isa sa pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga to rito ay ang pangingisda na pinagyayaman nila. Kapalit sa kanilang pangangalaga sa ilog ditto ay ang mga isdang kanilang nahuhuli na magsisilbing pang-agdong buhay nila.

Hindi rin maikakaila na ang mga matabang lupa sa lugar na ito ay kumakanlong sa mga tanim na palay, mais at tabako na kung titingnan sa logo, ang mga ito ay mga pangunahing tanim o produkto na karaniwang nakikita sa barangay na ito. Ang pagtatanim ng mais at tabako ay karaniwang isinusunod pagkatapos ng pag-ani ng palay.

Ang mga sinag ng araw na makikita sa logo ay sumasagisag naman sa patuloy na pag-unlad ng barangay sa tulong ng pagkakaisa ng mga tao upang isulong sa mas matagumpay na kinabukasan.

Ang Barangay Bantog ay naitatag noong taong 1870.

Trackback(0)
Comments (1)Add Comment
crisanto s aban
May 16, 2010
72.235.93.157
Votes: +0
...

venancio aban and leodegario peralta is my great ancestors, thank you for remembering them.

Write comment
 
  smaller | bigger
 

security image
Write the displayed characters


busy
User Rating: / 0
PoorBest 

Feed Your Soul

Latest Comment

Kasaysayan ng Barangay bantog
venancio aban and leodegario peralta is my great a
Barangay San Francisco Aglipay
IFI, tunay maka-Diyos, Maka-Bayan
LGU awards outstanding public
FGFGFGFGFGFG
Barangay San Francisco Aglipay
sory sa nga wrong spilling ko ha kac nag mamadali
Barangay San Francisco Aglipay
hi poh sa lahat ng taga san fransisco ako c ray m

Latest Forum Post

2 ?5@2K9
pronchk 5.9.2010 21:37
?>@=> 28
pronchk 5.9.2010 20:16
!B@8B
mulenochka 3.9.2010 7:49
Re:ylang-ylang in mindanao
kaizen 5.8.2010 15:08
ylang-ylang in mindanao
choyoliver 10.2.2010 22:21
Please login to be able to chat.